-- Advertisements --

Pumalo na sa 100 katao ang nasawi sa naganap na dalawang car bombing sa Mogadishu ang capital ng Somalia.

Sinabi ni President Hassan Sheikh Mohamud na mayroong 300 iba pa ang nasugatan na inaasahang madadagdagan pa ito dahil sa matinding sugat na tinamo ng mga ito.

Ang nasabing insidente ay inako na ng grupong Al-Shabaab Islamist militants.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na dalawang kotse na may laman na bomba ang biglang sumabog pagdating Zobe intersection.

Dahil sa insidente ay maraming mga gusali ang nasira at mga sasakyang nakaparada sa nasabing lugar.

Noong Oktubre 14, 2017 ng maganap din doon ang pagsabog na ikinasawi ng 512 katao at ikinasugat ng 290 na iba pa.