-- Advertisements --

Pumalo na sa anim katao ang nasawi at 38 sugatan ng gulantangin ng pagsabog ang mataong lugar sa Istiklal ng Istanbul, Turkey.

Naganap ang pagsabog sa mataong lugar habang abala ang marami sa pamimili.

Mabilis na nirespondihan ng mga otoridad ang lugar kung saan agad na dinala sa mga pagamutan ang mga biktima.

Sinabi ni Istanbul governor Ali Yerlikaya , na agad nitong ipinag-utos ang malalimang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Nagpakalat na rin ang mga otoridad ng mga kapulisan sa mga lugar sa Istanbul.