-- Advertisements --
Umakyat na sa 2,361 katao ang nasawai sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Turkey at Syria.
Sa nasabing bilng 1,541 dito ay mula sa Turkey.
Ayon kay Turkey Vice President Fuat Oktay na mayroong 9,733 katao ang sugatan.
Sa Syria naman ay nasa 870 ang nasawi kung saan 430 ay mula sa government-controlled areas habang 390 namna ay mula sa opposition-controlled areas.
Inaasahan ng mga otoridad na madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil patuloy ang ginagawa nilang paghahanap sa mga lugar kung saan gumuho ang maraming mga gusali.