-- Advertisements --
Umakyat na a 7,266 ang nasawi sa pagtama ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria.
Ayon sa The White Helmets o kilala bilang Syria Civil Defense na sa kabuuan ay mayroon na silang 1,832.
Habang ayon kay Turkish Health Minister Fahrettin Koca na mayroon ng 5,434 ang nasawi sa Turkey.
Abot naman sa 31,777 ang sugatan sa Turkey at mayroong 3,849 ang sugatan sa Syria.
Patuloy ang pagdating ng mga rescue groups mula sa iba’t-ibang bansa habang maraming mga lider ng bansa ang nagpapabot na ng pakikisimpatiya sa dalawang bansa.