-- Advertisements --
Pumalo na sa 46 katao ang nasawi sa pagtama ng magnitude 6.6 na lindol sa Southwestern China.
Ayon sa US Geological Survey na mayroong lalim na 10 kilometro ang lindol na naganap sa 43 kilombeter southeast ng Kangding City sa Sichuan province.
Nasa mahigit 50 katao din ang nasugatan sa nasabing insidente habang patuloy na pinaghahanap ang 16 na iba na pa naiulat na nawawala dahil sa lindol.
Maraming gusali rin sa lugar ang nasira dahil sa naranasang matinding lindol sa lugar.
Nagpadala ang gobyerno ng China ng mahigit 1,000 sundalo para agarang magsagawa ng search and rescue operations.