-- Advertisements --
Aabot na sa mahigit 1,000 katao ang nasawi matapos ang pagtama ng 6.1 magnitude na lindol sa eastern Afghanistan.
Itinakbo rin sa pagamutan ang mahigit 1,500 katao na nasugatan dahil rin sa lindol.
Nagtala rin ng landslide na sumira sa ilang kabahayan sa probinsiya ng Paktika.
Ilang daan kabahayan rin ang nasira dahil as lindol na may lalim na 51 kilometers.
Itinuturing na ito ang pinakamalakas na lindol na naranasan sa nasabing bansa matapos ang dalawang dekada at isa ring hamon sa mga Taliban na nagkontrol sa bansa noong nakaraang taon.