-- Advertisements --
Pumalo na sa 157 katao ang nasawi matapos ang pagtama ng magnitude 5.6 na lindol sa Nepal.
Maraming mga gusali at kabahayan ang nasira sa Himalayan republic.
Ilang mga sugatang biktima ang dinala sa pagamutan matapos na masugatan ng tamaan sila ng mga bahagi ng mga nasirang gusali.
Naramdaman din sa New Delhi sa India ang nasabing pagyanig na may layong halos 500 kilometro m ula sa epicenter.