-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit 20,000 katao ang nasawi matapos ang pagtama ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria.

Sa nasabing bilang ay 17,134 ang naitalang nasawi sa Turkey na mayroong 70.347 ang sugatan.

Habang sa Syria ay umakyat sa 3,317 katao na ang nasawi kabilang na dito ang 1,970 sa rebel-held areas sa northwest at 1,347 naman ang nasawi sa government-controlled na lugar sa Syria.

Aabot na rin sa 5,245 katao ang sugatan sa Syria.

Tuloy-tuloy din ang pagtutulungang mga rescuers para makahukay pa ng mga survivors mula sa mga gumuhong gusali sa Syria at Turkey.