-- Advertisements --
Pumalo na sa 2,901 ang nasawi sa magnitude 6.8 na lindol sa Morocco.
Tumaas din ang bilang ng mga nasugatan na itinakbo sa pagamutan na umabot na sa 5,530.
Itinuturing na ito na ang pinakamatinding lindol mula pa noong 1960.
Nagtulong-tulong na ang mga rescuers na galing sa mga bansang Spain, Britain at Qatar habang hinihintay pa na aprubahan ang tulong m ula sa France, Belgium, Italy at Germany.
Inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga nasawing biktima dahil sa marami pa ang naitalang nawawala na natabunan ng mga gumuhong gusali.