-- Advertisements --

Umakyat pa sa bilang na 18,903 ang mga nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.

Nangunguna sa listahan ng maraming namatay ay mula sa Italy na may 6,820, pangalawa ang China na may 3,281 at pangatlo ang Spain na mayroong 2,991.

Ang bilang naman ng mga infected ng virus ay umaabot na sa 422,878.

Sa nasabing mga biktima, 281,738 (96%) ay nasa mild condition, habang ang 13,095 (4%) ay nasa serious o critical condition.

Samantala, ang mga naka-recover naman ay pumalo na ngayon sa 109,142.