-- Advertisements --
Umakyat na sa 16,558 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.
Pinakamaraming nasawi ay mula sa Italy, sinusundan ng China at Spain.
Habang ang mga nagpositibo naman ay 381,649.
Narito ang mga bansang may malaking bilang ng mga infected ng COVID-19.
China – 81,171
Italy – 63,927
USA – 46,145
Spain – 35,136
Germany – 29,056
Iran – 23,049
France – 19,856
S. Korea – 9,037
Switzerland – 8,795
UK – 6,650
Ang 250,600 (95%) sa mga nagpositibo ay mayroong mild condition, habang 12,062 (5%) naman ang nasa serious o critical condition.
Samantala, ang mga naka-recover naman ay nagtala na ng bilang na 102,429 sa buong mundo.