-- Advertisements --
Umaabot na ngayon sa 69,456 ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring namatay ay mula sa Italy na may 15,887, pangalawa ang Spain na may 12,641 at pangatlo ang USA na nakapagtala ng 9,618.
Sa mga infected naman ay nangunguna ang Estados Unidos dahil sa 336,830 cases, pangalawa ang Spain na may 131,646 at pangatlo ang Italy na nakapag-record na ng 128,948.
Sa kabuuan, nakapagtala na ng 1,273,709 na mga nagpositibo sa naturang virus.
Mula sa mga active patient, 896,175 (95%) na may mild condition at 45,592 (5%) naman ang serious o critical condition.
Samantala, 262,486 naman ang mga naka-recover matapos ang gamutan at quarantine procedure na naipatupad.