-- Advertisements --
Umakyat na sa 11 ang naitalang patay, dalawa ang sugatan at isa ang nawawala matapos manalasa ang tropical storm Dante.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagmula sa MIMAROPA, Regions VI, VII, VIII, XI at XII ang mga nasawi.
Aabot naman sa halos 23, na pamilya o mahigit 94,000 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.
Nasa 2,000 na pasahero ang na-stranded dahil sa bagyo.
Samantala, 81 na bahay sa Regions VI, VIII at XI ang nasira ng bagyo.
Aabot sa P86 million halaga ng agrikultura habang P53 million halaga ng imprastraktura ang nasira ng bagyo.