-- Advertisements --
Posibleng aabot pa sa 10 araw bago tuluyang malaman ang tunay na bilang ng nasawi sa naganap na malawakang wildfire sa Hawaii.
Sinabi ni Hawaii Governor Josh Green, na ang bilang ng nasawi na kanilang naitala ngayon ay 99 subalit ito ay posibleng madagdagan pa sa mga susunod na araw.
Halos buong bayan ng Lahaina ang tinupok ng nasabing apoy.
Patuloy pa ring sinusuyod ng mga rescuers ang lugar kung saan nahihirapan ang mga itong makilala ang mga biktima.
Mayroong 10 search dogs na ang ipinakalat ng Federal Emergency Management Agency (FEMA) na tumutulong sa search and rescue teams.
Hindi pa matiyak ng mga rescuers kung hanggang kailan matatapos ang nasabing paghahanap nila.