Tiniyak ngayon ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang kooperasyon ng mga ito sa pamahalaan para masiguro ang patas at efficient na alokasyon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines.
Kasunod na rin ito ng pag-apruba ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na isama sa listahan ang frontline workers sa law/justice, security at social protection sectors sa Priority Group A4.
Sinabi ni IBP President Domingo “Egon” Cayosa na kailan ding maprotektahan ang mga litigation lawyers, prosectuors, Public Attorney’s Office (PAO) lawyers at mga abogadong frontliners sa justice/law sector laban sa nakamamatay na virus gaya rin ng mga mahistrado at court employees na mabibigyan din ng bakuna.
Una nang isinali ng pandemic task force ang mga empleyado ng hudikatura sa A4 category kasunod ng hiling ng Supreme Court (SC).
Sa katunayan ilang bahagi ng covid vaccine na dadating ngayong buwan sa bansa ay pamumunta sa judiciary.