-- Advertisements --

Masayang inanunsiyo ng Philippine Sports Commission (PSC) na naayos na ang gusot sa pagitan ni Olympic pole vaulter EJ Obiena at Philippine Athletics and Track and Filed Association (PATAFA).

Dahil dito ay pinayagan na rin ng PATAFA na i-indorso si Obiena sa 2022 Southeast Asian Games at sa 2022 World Outdoor Athletics.

Ayon kay PSC chairman William Ramirez na labis itong nasisiyahan dahil sa ikalimang session na pag-aayos ay natapos na rin alitan sa pagitan ni Obiena at PATAFA.

Ito aniya ang unang sports mediation na isinagawa ng PSC at nagkasundo ang dalawang partido.

Humingi mismo ng patawad si Obiena sa PATAFA at sa mga members of board nito habang tinanggap naman ni PATAFA chief Philip Juico ang nasabing paghingi ng tawad nito ni Obiena at pumayag ng panibagong paninimula at pag-move on.

Magugunitang nagsimula ang hindi pagkakaintindihan ng PATAFA at si Obiena dahil umano sa pamemeke umano ni Obiena ng mga pirma para sa liquidation na pambayad sa coach nitong si Vitaly Petrov.

Dahil sa pangyayari ay tinanggal ng PATAFA si Obiena sa listahan ng mga national players na sasabak sa SEA Games at World Indoor Tournaments.

Namagitan pa ang ilang senador subalit hindi pa rin ito naayos hanggang sa dumating sa punto na ideklara ng Philippine Olympic Committee si PATAFA chair bilang ‘persona non grata’.