Mahigit isang milyong estudyanteng naka-enroll sa state universities and colleges (SUCs) sa buong bansa ang makikinabang sa P27.3 bilyong pagtaas ng badyet sa ilalim ng 2024 national budget, ayon sa Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC).
Batay sa 2024 General Appropriations Act (GAA), ang kabuuang bagong appropriations para sa SUCs ay nasa P128.2 bilyon, mas mataas sa P100.9 bilyon na hinahangad sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP).
Sinabi ni PASUC President Dr. Tirso Ronquillo, 1.85 milyong mag-aaral na naka-enroll sa SUCs sa buong bansa, 72,000 faculty at staff, at 50,000 job order employees at kontrata ng mga service workers ang makikinabang sa P27.3 bilyong pagtaas ng badyet.
Ani Ronquillo, ang alokasyon na nagmula sa “unprogrammed funds” ay kakailanganin para sa pagbabayad ng mga libreng higher education deficiencies sa school years 2022 at 2023.
Sinabi niya na makakatulong din ito sa mga SUC na magkaroon ng sapat na mapagkukunan para epektibong maisagawa ang mga pangunahing mandato nito sa pagtuturo, pananaliksik, pakikipag-ugnayan sa komunidad at iba pang pampublikong gawain.