-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagpahayag si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo C. Quiboloy na kung wala umanong kakayanan ang mga kakandidato sa mas mataas na posisyon sa gobyerno, mapipilitan siyang tatakbo sa eleksiyon.

Ito ay may kaugnayan sa huling pagdeklara ni Sen. Manny Pacquiao na kakandidato ito sa pagka-pangulo sa 2022 national and local elections.

Ayon kay Quiboloy na kung gaya ng senador ang magiging presidente ng bansa ay mapipilitan umano siya sa kanyang plano.

Inihayag rin nito na nananatili pa rin ang kanyang hamon kay Sen. Pacquiao na debate at posibleng mangyayari ito sa ibabaw ng entablado.

Sinabi rin ni Quiboloy na kung ipahintulot umano ng diyos, posibleng maghain siya ng Certificate of Candidacy (CoC) sa susunod na buwan.

Kanya umanong pipigilan ang mga kandidato na kilalang may koneksiyon sa komunistang grupo at walang kakayanan na pangasiwaan ang kanyang posisyon sa gobyerno.

Mayroon umanong kakayanan si Pastor Quiboloy na kakandidato kahit wala umano siyang partido dahil kakampi umano niya ang Diyos na siya totoo niyang ka-partido.

Umaasa na lamang ito na hindi siya ideklarang nuisance candidate.