-- Advertisements --
Balik na sa regular na karaniwang bilang ng passenger arrival ang naitala matapos ang nangyaring peak season bunga Ng nagdaang holiday season.
Sinabi ni Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval na naglalaro sa 30 libong arrivals kada araw ang kanilang naitatala na kung saan, dito nagpa-plateu ang bilang ng mga dumarating na pasahero sa iba’t-ibang mga paliparan sa bansa.
Gayunpaman, tiyak ani Sandoval na tataas muli ito sa pagdating ng summer season.
Unti-unti aniya itong mararamdaman sa sandaling pumasok na ang tag-init na kung saan ay marami ang nagsisipag- bakasyon.
Dito ayon kay Sandoval tiyak maitatala ang panibagong peak lalo’t mas maluwag na ang restriksiyon dahil sa COVID-19.