Opisyal ng nakapasok sa Tokyo Olympics si Filipina weightlifter Hidilyn Diaz.

Nagtapos kasi sa ikaapat na puwesto ang 30-anyos na si Diaz sa Asian Championship na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan.

Ang nasabing torneo sa Uzbekistan ay formality lamang para sa pagpasok nito sa Olympics.

Naging kampeon sa nasabing torneo si Qiuyun Liao habang silver medalist naman ang kapwa Chinese na si Yajun Li.

Dahil dito ay makakasama na ni Diaz ang ilang pambato ng Pilipinas na sin gymnast Caloy Yulo, pole-vaulter EJ Obiena at mga boksingero na sin Eumir Marcial , Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Ito na ang pang-apat na beses na lumahok sa Olympics si Diaz na ang una ay noong 2008 Beijing, 2012 sa London at 2016 sa Rio Olympics.