-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Human Settlements and Urban Development, na ang Pasig River rehabilitation project ay pangunahing naglalayong palakasin ang turismo sa lungsod ng Pasig.

Ayon sa nasabing departamento, nais din nitong isulong ang transporatation connection sa kalakhang lungsod.

Sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, na siyang namumuno din sa Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development (IAC-PRUD), na ang proyekto ay idinisenyo upang makinabang ang mga ordinaryong Pilipino.

Matatandaang noong nakaraang buwan, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang First lady ang inagurasyon ng paunang yugto ng proyekto, na kinabibilangan ng showcase area at pedestrian walkway sa likod ng iconic na Central Post Office building.

Ang walkway mula noon ay umaakit ng mga promenader at itinampok sa social at mainstream media.

Tinaguriang “Pasig Bigyang Buhay Muli” (PBBM), ang proyekto ay naglalayong gawing sentro ng turismo at pang-ekonomiyang aktibidad ang Pasig River habang tumutulong sa pagtugon sa mga isyu sa trapiko sa mga lungsod.

Una na rito, ang proyekto ay nakatakdang matapos sa tatlo hanggang limang taon at popondohan sa pamamagitan ng mga private donations.