BACOLOD CITY – Umingay na naman ang showbiz world matapos mamataan na magkasama ang TV host na si Gretchen Ho at Pasig Mayor Vico Sotto habang nanonood ng vollyeball sa 2019 South East Asian (SEA) Games.

Nagkukumahog ang mga fans na magkomento sa kanilang viral photos online na may caption pang ViChen kung saan karamihan ay kinikilig sabay sabi ng “It’s a yes” bilang pagiging sang-ayon na bagay ang dalawa.

Kung maaalala sa nakaraang interview kay Vico, ibinahagi nito na ang kanyang tipong babae ay “may itsura” pero mas lamang ang pagiging matalino at pareho sa kanyang pananaw lalo na pag tungkol sa usaping politika.

Sa ngayon ay wala pang anumang impormasyon kay Ho hinggil sa isyu.

Sa tweet naman ng anak nina Vic Sotto at Coney Reyes, umapela ang alkalde na huwag bigyan ng “kulay” ang panonood nito sa SEA Games event lalo pa’t sa kanilang lugar ang venue ng volleyball.

“Lahat na lang ginagawang politika. Wag nyo naman idamay ang pasig sa fake news dahil kahit nung kalakasan ng ulan nung 2pm hindi bumaha sa Pasig.” Magandang makanuod ng laro sa Pasig ang mga opisyales ng Pasig. Suportahan na lang natin lahat ang mga Atletang Pilipino, di ba?” (with report from Bombo Nes Cayabyab Mercado)