Nilinaw nang viral na konsehal ng Pasay City na hindi niya inatake ang mga health care workers sa video kung saan makikitang sinigawan nito ang mga nagsasagawa ng COVID-19 testing.
Sa isang panayam sinabi ni councilor Arnel “Moti” Arceo na hindi sa health workers, kundi sa city health office niya ipinaabot ang pagkadismaya sa insidente.
Ang pagmumura at paninigaw ng konsehal ay video ay bunsod daw nang hindi pagpapaalam ng nasabing opisina na gagamitin ang session hall para sa rapid testing.
Hindi raw nasabihan ang mga miyembro ng city council kaya nabigla si Arceo na sa naturang pasilidad ginagawa ang testing activity.
Aminado naman ang konsehal sa kanyang pagkakamali pero nilinaw nito na hindi niya sinisisi ang medical technologists na kanyang naabutan sa pagbisita.
Handa raw si Arceo na harapin ang ano mang parusa na kaakibat ng kanyang inasal sa mga frontliners.