Isinusulong ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na i-exempt sa coverage ng kanilang COVID-19 package ang mga pasyenteng magpo-positibo dahil sa kapabayaan.
Mungkahi ito ng kongresista sa gitna ng bumuhos na mga tao sa mga pampubliko establisyemento makaraang ibaba na lang sa modified enhanced community quarantine at general community quarantine ang iba’t-ibang lugar.
“Nagulat talaga ako dahil parang wala na yung COVID-19 noong makita ko sa TV ang mga tao sa malls. Napakaraming pasaway! Kumpol-kumpol at bale-wala na ang social distancing,” ani Nograles.
Ayon sa mambabatas, dapat gumawa ng bagong guidelines ang state health insurance para sa coverage ng mga COVID-19 patients.
Masasayang daw kasi ang kontribusyon kung gagamitin lang ito sa mga indibidwal na kaya tinamaan ng pandemic virus ay dahil sa pagpupumilit na lumabas.
“This only shows that many of our people are still underestimating the COVID-19 virus. We will pay for this with a second wave of infections.”
Para kay Nograles, kailangan ng full disclosure mula sa mga magiging pasyente kung paano sila na-infect ng sakit.
Makakatulong din daw kasi ito para sa contac tracing.
“From what I saw during the weekend, it seems to me that people have totally forgotten that the virus is still out there without any vaccine and without any real cure. I really fear for the second wave which could really jeopardize PhilHealth’s viability. PhilHealth should only help those who deserve to be helped.”
“The same non-coverage should apply for those who are irresponsible enough to throw parties and the like which would endanger the public.”