-- Advertisements --
Maghahain bukas ang grupong Pasang-Masda ng petisyon sa dagdag pasahe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon kay PASANG MASDA president Obet Martin nais nilang humirit ng P1.00 na dagdag sa unang apat na kilometro at dagdag naman na P0.50 sa mga susunod na mga kilometro.
Umaasa ito na maaprubahan agad ito ng LTFRB dahil sa patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis.
Una ng sinabi ng LTFRB na kanilang pinag-aaralang mabuti ang mga petition na fare hike sa kanilang opisina.