Reading Time: 1 minute

BUTUAN CITY – Patay na nang marekober ang pasahero ng isang fast cat na tumalon kahapon sa bisinidad ng Balong-Balong Point na sakop ng Pintuyan, Southern Leyte.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na lulan ng MV Fast Cat M7 ang biktimang si Joana Eviota, 31-anyos na residente ng Sta. Monica ng Siargao Island sa Surigao del Norte, nang bigla itong tumalon sa kasagsagan ng kanilang paglalayag patungo sanang Surigao City.

Daling iniutos ni ship captain Jimuel Arsibal ang paghanap at pagligtas sa nasabing pasahero na agad namang narekober at binigyan ng first aid ng kanilang medical personnel.

Gayunman hindi na nai-revive si Eviota dahil sa dami ng tubig na kanyang nainom.

Napag-alamang may nakaantabay ng rescue team pagkadating nila sa Lipata Port sa Surigao City at agad na kinunan ito ng vital signs ngunit idineklara itong patay na.

Patuloy na inaalam ang dahilan ng pagtalon ng biktima na una na umanong nakitang malungkot habang may kausap sa kanyang cellphone.