Bababa na ng hanggang sa P6.50 ang pamasahe sa Light Rail Transilt Line 2 (LRT-2) sa oras na maipatupad ang 50 porsyentong diskwento simula sa Lunes, Marso 23.
Sa inilabas na bagong fare matrix ng LRT Line 2 ngayong Biyernes, Marso 20, nasa pagitan ng P6.50 hanggang P16.50 ang babayarang pamasahe ng stored value card o Beep card users depende sa kanilang destinasyon.
Habang para sa single-journey ticket fares, mumura na sa P8 hanggang P18 ang pasahe, na may reduced rates sa lahat ng istasyon mula Recto Avenue Station hanggang sa Antipolo Station.
Saklaw ng discounted fares ang lahat ng mga istasyon sa LRT-2 kabilang na sa Cubao, Katipunan at Santolan.
Inaasahan naman na mas mapapagaan ng discounted fare ang gastusin ng mga mananakay para sa transporasyon lalo na ngayong nagtataasan ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Pinapayuhan naman ang mga pasahero na sumangguni sa updated fare matrix para matukoy ang eksaktong fare based mula sa kaanilang panggagalingan patungo sa kanilang destinasyon.















