-- Advertisements --
doj GUEVARRA
doj GUEVARRA

Suportado ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang muling pagbuhay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection.

Sinabi ng kalihim na ok sa kanya ang naturang parusa lalo nA sa mga convicted drug dealers at plunderers.

Naniniwala ang justice secretary ang naturang mabigat na parusa ay magiging solusyon para mapababa ang mga serious crimes.

Sa pamamagitan din umamo ng parusang kamatayan ay magdadalawang isip na ang mga kriminal na gumawa ng mga karumal-dumal na krimen.

Dagdag ng kalihim, malinaw din umano sa Saligang Batas na puwede nitong atasan ang Kongreso na magpatupad ng death penalty dahil sa mga compelling reasons gaya ng mga heinous crime.

Kahapon nang muling buhayin ng Pangulong Durterte sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection.