-- Advertisements --
image 18

Muling binuhay ng isang mambabatas ang panukala para sa parusang death penalty sa bansa matapos ang drug haul sa may bayan ng Subic sa lalawigan ng Zambales kung saan nadiskubre ng mga awtoridad ang bilyun-bilyong halaga na shabu.

Simula pa noong 11th Congress ay isinusulong na ni House committee on dangerous drugs chair at Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers ang pagbabalik ng death penalty na limitado sa mga kaso may kinalaman sa iligal na droga.

Maaari aniyang makapagpigil sa naturang mga iligal na gawain ang pagpapataw ng death penalty.

Matatandaan na noong nakalipas na buwan, inanunsiyo ng mga awtroidad na nasa P3.6 billion na halaga ng hinihinalang shabu ang umano’y ipinasok dito sa bansa na ipinuslit sa pantalan ng Subic at napunta sa mga bodega sa Pampanga.

Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin remulla, mayroong Thai markings ang mga ito nakasama sa mga produktong chicharon at dog food.

Kayat hindi isinasantabi na mayroong international syndicate ang sangkot dito.

Inamin naman ng DOJ chief na isa lamang kasangkapan ang capital punishment para mapigilan ang mga sindikato sa pagdadala ng mga iligal na droga sa ating bansa kayat ang malaking reporma na kailangang gawin ay ang pagreporma sa law enforcer units.

Matatandaan na una ng binuwag ang death penalty sa Pilipinas noong 2006 sa ilalim noon ng rehimen ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo