Para kay AkoBicol Party-list Rep. Elizaldy Co tama lamang ang ginawa ng liderato ng Kamara de Representantes na patalsikin bilang house member si Mr. Arnolfo Teves dahil sa hindi pagsunod at paglabag nito sa House Rules.
Pinuri ni Co ang naging hakbang ng House of Representatives sa pamumuno ni Speaker Romualdez sa “historic expulsion” sa isa nilang kasamahan na pasaway, ito ay para mapanatili ang integridad ng institusyon.
Sinabi ni Co na ang pagtanggal kay Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. sa Kamara ay isang pagpapakita ng pangako ni Speaker Romualdez na itaguyod ang pinakamataas na etikal na pamantayan sa legislative body dahil tinitiyak din nito ang pananagutan sa mga mambabatas.
“Speaker Romualdez’s historic decision resonates as an enduring embodiment of the principles that guide our revered legislative institution. This bold step establishes a vital precedent, reminding us unequivocally that, as stewards of the people’s trust, we are bound not solely by the imperative to formulate and enact judicious legislation, but also by the solemn responsibility to conduct ourselves with dignity, honor, and integrity,” pahayag ni Co.
Nasa 265 lawmaker ang bumuto para pagtibayin ang rekumendasyon ng House Committee on Ethics and Privileges na patalsikin si Teves.
Ayon kay Co, ang desisyon para patalsikin si Teves ay nakabatay sa tatlong mahahalagang salik na hindi maaaring palampasin: ang kanyang patuloy na paghahanap ng political asylum sa Timor-Leste, ang kanyang madalas at walang dahilan na pagliban sa mga tungkulin sa parlyamentaryo na lantarang lumalabag sa mga tuntunin ng Kamara, at ang mga nakakagambalang mga pagkakataon ng diumano’y “indecent behavior” na ipinapakita sa mga social media platform, na sumisira sa imahe at integridad ng House of Representatives.
“The decision is proof of Speaker Romualdez’s promise to safeguard the prestige, honor, and dignity of the House,” noted Co, praising the top leader of the lower chamber “for his unparalleled commitment to the ideals of democracy, which has consistently steered the House of Representatives toward a trajectory of transparency and accountability to serve the public good,” pahayag ni Rep. Co.
Dagdag pa ni Co, tulad ng pagtitiyak ng isang ama na haharapin ng kanyang mga anak ang mga kahihinatnan ng kanilang mga aksyon, binibigyang-diin ni Speaker Romualdez, sa kanyang pamamahala, na ang pananagutan ay isang kailangang-kailangan na haligi ng demokratikong pamamahala.