-- Advertisements --

Isinusulong na isang mambabatas sa Kamara ang pagpasa ng mas mabigat na batas labang sa mga pekeng gamot na naglipana ngayon sa mga online platforms.

Nais ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan na magkaroon ng mas mabigat na parusa gaya ng habang buhay na pagkakakulong laban duon sa mga nasa likod ng large-scale manufacture, sale at possession ng mga counterfeit pharmaceutical products.

Ginawa ni Yamsuan ang panawagan matapos ilunsad kamakailan ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPPHIL) at Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) ang isang joint campaign na naglalayong alisin ang mga pekeng gamot mula sa merkado at isulong ang abot-kayang mga inobasyon sa pangangalagang pangkalusugan.

Sinabi ni Yamsuan ang House Bill (HB) 3984, na isa siya sa co-author ay magpapalakas sa kampanya laban sa mga pekeng pharmaceutical products at ituring itong isang economic sabotage.

Ang mga lalabag sa HB 3984 ay mahaharap sa kasong administratibo at criminal.

Ayon kay Rep. Yamsuan ang dekadang lumang Republic Act 8203 o ang Special Law on Counterfeit Drugs ay nagbabawal sa pagbebenta ng mga pekeng gamot, ito ay humina sa pamamagitan ng pagsasabatas ng iba pang mga batas na may kaugnayan sa kalusugan na nagbigay ng hindi magkatugma na mga kahulugan ng salitang “droga”.

Sinabi naman ng Korte Suprema ang RA 9502, o ang Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act ay nagpapawalang-bisa sa layunin ng RA 8203, na nagiging dahilan upang mawala ang lahat ng kahulugan at tungkulin nito.