-- Advertisements --

Nananawagan si Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan sa Department of Justice (DOJ) na ikunsidera na bigyang prayoridad ang mga nakakatanda, mga may sakit at persons with disabilities sa kanilang rekumendasyon ang grant of executive clemency sa mga bilanggo ngayong Christmas season.

Ginawa ni Yamsuan ang panawagan bilang suporta sa jail decongestion initiative ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na palayain ang nasa 1,500 persons deprived of liberty sa pamamagitan ng pag rekumenda sa Pangulong Marcos.

Ang mga qualified PDLs ay inirekumenda for clemency ng mga Board of Pardons and Parole na nasa ilalim ng DOJ.

Pinuri naman ni Yamsuan ang pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa ilalim ng lidarato ni Director General Gregorio Catapang Jr. sa pag facilitate nito sa pagpapalaya sa mahigit 11,000 PDLs simula ng administrasyong Marcos bilang bahagi ng programa ng gobyerno ang jail decongestion.

Binigyang-diin naman ni Yamsuan na hindi nagtatapos ang tulong sa mga PDLs ang pagpapalaya sa mga ito kundi dapat mabigyan din sila ng tamang skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ikinatuwa naman ni Yamsuan na ang mga pinalayang mga PDLs ay sumailalim sa BuCor’s Reformation and Release Program.

Inihayag ng Kongresista na mahalaga na mabigyan ng tamang interbensiyon sa mga PDLs para maiwasan na maging mga repeat offenders ang mga ito.