Tiniyak ni Ako Bicol Party List Representative Elizaldy Co, Chairman ng Committee on Appropriations, ang kaniyang buong suporta sa visionary plans ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos na i- revolutionize ang health care system sa bansa.
“I fully support President Bongbong Marcos’ commitment to continue and enhance these projects, as they hold tremendous potential to improve healthcare services for our people,” pahayag ni Rep. Co.
Sa pamamagitan ng pagsisikap ni Speaker Romualdez at ng House of Representative, malaking alokasyon ng badyet ang inilaan upang mapadali ang lubhang kailangan na mga pagpapabuti para sa umiiral na mga ” Legacy Project.”
Sinabi ni Rep. Co, bilang Chairman ng House Committee on Appropriations, proud umano siya na maging bahagi sa collective effort para mabigyan ng kaukulang pondo para sa “revitalization” ng mga healthcare facilities na siyang patunay sa commitment ng gobyerno na mabigyan ng de kalidad na medical services ang sambayanang Pilipino.
“It is a sobering reality that we all fall ill and ultimately face our mortality.However, at present, those who lack financial resources are denied equal opportunities to receive quality healthcare, as only the privileged can afford to seek treatment at private health institutions,” dagdag pa ni Co.
Matagumpay namang nakakuha si Rep. Co ng paunang paglalaan ng P500 milyong piso para sa bawat espesyalidad na ospital sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Kongreso.
Ang mga pondong ito ay ilalaan sa pagbuo ng Legacy Specialty Hospitals, tulad ng NKTI, PCMC, at WVSU, gayundin ang pagtatatag ng bagong “Legacy Project” na pinasimulan ni Pangulong Bongbong Marcos, ang Philippine Cancer Center.
“It is our duty as public servants to ensure that all citizens, regardless of their location, have access to the same level of healthcare as their counterparts in private institutions. This will help bridge the healthcare gap and provide equal opportunities for all,” pahayag ni Co.
Siniguro naman ng mambabatas na kaniyang ipagpapatuloy ang kaniyang trabaho na makakuha ng pondo para suportahan ang mga nais ng chief executive.
Binigyang-diin ni Co na sa pamamagitan ng collaborative efforts nina President Bongbong Marcos, Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, at iba pang mga opisyal ng pamahalaan, hindi malayong makamit na mabigyang ng de kalidad na health care system ang mga Pilipino.