-- Advertisements --
Amphibious assault ship USS Wasp (LHD 1) during the Philippine-US military training exercises (photo by Mass Communication Specialist 3rd Class Benjamin F. Davella III)

Kinumpirma ng joint information Bureau ng RP-US Balikatan 2019 na kasama ang USS Wasp, isang US amphibious assault ship, sa ongoing joint military exercises sa pagitan ng mga sundalong Amerikano at Pilipino.

Ang mga ito ay kabilang sa nagbibigay ng training sa mga barko ng Philippine Navy sa bahagi ng Subic at maging sa international waters sa West Philippine Sea.

Ang nasabing warship ay magsisilbing force protection and security sa ongoing joint military exercises.

Ayon kay RP-US Balikatan 2019 Philippine spokesperson Lt. Cmdr Liz Vidallon, ito ang kauna-unahang joint Ph-US military exercises na lumahok ang USS Wasp kasama ang United States Marine Corps F-35B Lightning II aircraft.

Parehong aircraft din ang nakita ng mga Filipino fishermen sa may bahagi ng Scarborough Shoal.

Paliwanag ni Vidallon, ang partisipasyon ng USS Wasp at mga F-35B lightning aircraft ay para mas palakasin pa ang military capabilities na layuning masiguro ang pagkakaroon ng free and open Indo-Pacific.

Sa paglahok ng USS Wasp sa Balikatan, ipinapakita rin ng mga US capabilities ang kanilang kahandaan na sumuporta sa kanilang kaalyadong bansa sakaling magkaroon ng krisis o natural disaster.

Sentro ng Balikatan 2019 ang maritime security at amphibious capabilities.