-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Ang kauna-unahang pagkaroon ng sabay-sabay na pagbibitiw ng mga Cabinet Secretaries sa ilalim ng pamumuno ni Prime Minister Boris Johnson ay maituturing na big history.

Nauna rito sa televised interview ay inanunsiyo ni Bim Afolami, ang vice-chairman of the Conservative Party ang kanyang pagbibitiw sa puwesto.

Kasunod ito ng pagbibitiw nina parliamentary private secretary Saqib Bhatti, health secretary Sajid Javid at Treasury chief Rishi Sunak

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Girlie Manalo Gnito, isang Human Rights Lawyer sa London at Founder ng OFW UK-International Friendship Association na ang dahilan ng pagbibitiw ng mga naturang opisyal ay bilang pagbatikos sa violation of good conduct ni Minister of Education Chris Pincher.

Nagtungo umano si Pincher sa isang Gay Bar at isang Gay ang kanyang biniro-biro at hinawak-hawakan ang kamay at katawan dahil sa kalasingan ng opisyal.

Noong 2013 din ay nasangkot si Pincher sa paghawak sa katawan ng isang gay na kalaunan ay natuklasang tunay na babae.

Hindi rin anya naging tapat si Prime Minister Johnson sa panayam ng mga Media na itinaggi nitong alam ang reklamo laban kay Pincher na kalaunan ay natuklasang nagsisinungaling .

Bukod sa kinasangkutang isyu ni Pincher ay natuklasan din umanong nag-corrupt siya sa Budget of Education sa panahon ng pandemnya kaya lalong nagalit ang naturang mga opisyal

Nagkakaroon anya ng political Turmoil sa United Kingdom dahil sa sunod-sunod na pagbibitiiw sa puwesto ng kanilang mga opisyal sa pamahalaan.

Sinasabing Mayroon pang dalawang opisyal ang susunod na magbibitiw sa puwesto.

Nagkaroon anya ng parliamentary debate at tinalakay kung tatanggalin si Prime Minister Borris Johnson at kung sino ang ipapalit sa kanya .

Ayon sa mga nagbitiw na opisyal ng pamahalaan , sila ay nagbitiw dahil sa nawala na ang tiwala nila kay Prime Minister Johnson.