-- Advertisements --
Simula ngayong araw ay libre na parking fee ang mga estudyanteng may sasakyan na magpa-park sa mga paliparan na ino-operate ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Sa ilalim ng memorandum na inilabas ng CAAP, exempted na mula sa terminal fees ang mga mag-aaral na enrolled mula pre-school hanggang kolehiyo.
Kasali rin sa exemption ang mga estudyante mula sa technical at vocational schools, maging mga nasa training centers.
Ayon sa CAAP, kailangan lang mag-apply ng mga mag-aaral ng certificate of exemption sa Malasakit Help Desks na makikita sa naturang mga paliparan.