Inilunsad ng pamahalaang lokal ng Taguig ang park n’ test na bahagi ng kanilang agresibong kampanya laban sa Covid-19.
Nais kasi ni Taguig City Mayor Lino Cayetano na palawakin pa ang kanilang testing capabilities lalo na ngayon na patuloy ang pagtaas ng Covid-19 cases sa National Capital Region (NCR).
Sa pamamagitan ng Park N’ Test maaaring magdala ng kanilang mga sasakyan ang mga indibidwal at i park ito kung saan sila ay ia-assist ng mga mga healthcare workers para sa gagawing free testing.
May mga tents din na itinayo kung saan ia-accomodate one at a time ang mga nais mag pag test.
Ayon sa Taguig LGU ang mga residente na nais mag pa test sa nasabing facility ay kailangan sagutin ang isang COVID-19 self-assessment form na makikita ito sa www.taguiginfo.com.
Ang iskedyul sa Park ‘N Test facility ay tuwing Monday mula ala-1:00 PM hanggang alas-3:00PM.
Binigyang-diin naman ni Mayor Cayetano na kanilang pinalakas ang kanilang testing, quarantine, at contact tracing.
Ipinagmamalaki naman ng alkalde na ang Taguig ang siyang nangunguna sa mass testing sa buong NCR.
Naniniwala kasi si Mayor Lino na mahalaga na mapigilan ang transmission ng virus at agad bigyan ng kaukulang health care attention ang mga indibidwal na nahawahan ng nakamamatay na virus.
Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang vaccination program ng siyudad.
Inanunsiyo naman ng Taguig LGU na ngayong araw tanging ang mga second dose shots lamang ang i-accomodate sa mga vaccination hubs at wala munang first dose.
Dagdag pa ni Mayor Lino na ngayong buwan ng September target ng siyudad na mag-administer ng 70% ng second dose.