-- Advertisements --

Muli na naman ipinagpaliban ang petsa ng Paris Marathon dahil pa rin sa coronavirus pandemic.

Mula kasi sa dating Oktubre 18 ay inilipat na ito sa Nobyembre 15.

Ito na ang pangatlong petsa na paglipat ng nasabing sikat na marathon na ang orihinal na petsa ay noong Abril.

Noong nakaraang buwan ay kinansela na rin ang New York at Berlin Marathon.

Habang inilipat naman sa Oktubre 4 ang London Marathon at sa Oktubre 11 naman sang Chicago Marathon.