Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagmamahal?
Susugal ka ba kahit kapalit nito ay ang iyong magandang karera?
O mas pipiliin mo pa rin ang pagmamahal dahil ito ang magbigay sa iyo ng kasiyahan?
Isang pari sa Italya ang nagbitiw sa kaniyang tungkulin matapos niyang inamin sa harap ng mga nagsisimba na siya ay umibig sa isang babae.
Ayon kay Riccardo Ceccobelli, 42, parish priest ng San Felice church sa Massa Martana, Perugia, hindi na niya maaaring ipagpatuloy pa ang paninilbihan sa simbahan dahil umiibig ang kaniyang puso.
Aniya, nais man niyang subukan na ipamuhay ang pagmamahal na ito nang hindi ito pinipigilan, nang hindi niyang itutulak palayo ang paninilbihan sa simbahan ngunit hindi niya magagawa.

Mas magiging masaya umano siya kung kapiling niya ang babaeng kaniyang iniibig.
Napag-alaman na si Ceccobelli ay anim na taon nang pari sa isang maliit na simbahan sa Italya.
Natanggap naman ng nasabing pari ang basbas nito mula kay Bishop Gualtiero Sigismondi matapos niyang inamin sa harapan ng publiko ang kaniyang tunay na nararamdaman at hinangad nito na makamtan ang tunay na kaligayahan sa bagong landas na kaniyang tatahakin.
Sinuspendi na ang nasabing pari sa kaniyang mga tungkulin at ang mga pormalidad ay nagsimulang ibalik siya sa estado ng layko.
Sa ngayon, itinago ng diocese ang identity ng babae na naging dahilan sa pagbibitiw ni Ceccobelli sa kaniyang tungkulin na manilbihan sa simbahan. (with report from Bombo Jane Buna)











