-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpapagaling na ang parish priest sa Pototan, Iloilo na nahawaan umano ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Pototan, Iloilo Mayor Rafael Enrique Lazaro, sinabi nito na hindi na nagsagawa pa ng misa ang nasabing pari.
Ayon sa alkalde, naka-confine na sa ospital ang pari dahil sa colon cancer at posibleng nahawaan na ng deadly virus.
Sa ngayon, nakatakda ring isailaim sa “RT-PCR” test ang mga naka close contact ng nasabing kura paroko.