-- Advertisements --

Magbibigay ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga panaderya sa lungsod ng pinansyal na tulong kasabay ng kinakaharap na krisis sa bansa.

Alinsunod sa naganap na pakikipagpulong ni Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso sa iba’t ibang mga lokal na panadero, napagkasunduan mabigyan sila ng tig-25 libong piso bilang ‘economic assistance’ sa loob ng isang buwan.

Kung saan kapalit naman nito na ang mga inaasahan panaderyang lalahok ay hindi magtataas ng presyo sa kanilang mga produktong tinapay na itinitinda.

Tulad ng nakagawiang almusal ng mga Pilipino na pandesal, pan de limon, at iba pa upang masegurong direktang makikinabang ang mga mamimili o tumatangkilik nito.

Kaya nama’y sa pagbibigay ng tulong-pinansyal, titiyakin walang magiging pagtaas sa presyo ng ‘essential Filipino breads’ sa Maynila ng 30-araw kapag ito’y mailunsad na.