Bong Joon Hon
Bong Joon Hon

Binigyan ng hero’s welcome ng kaniyang kababayan sa South Korea si ‘Parasite’ director Bong Joon-ho.

Paglapag pa lamang ng sinakyan nitong eroplano sa Incheon International Airport ay agad itong pinagkaguluhan ng mga naghihintay na fans.

Pinasalamatan naman nito ang mga fans ng nasabing pelikula.

Tinanghal kasi na best picture ang nasabing pelikula sa katatapos lamang na Oscar Awards.

Ito lamang ang unang foreign language film na nanalo sa nasabing kategorya sa kasaysayan ng Academy Awards na ginanap noong Pebrero 9.

Bukod sa best picture award ay nakuha rin nito ang ibang award gaya ng best director, best international feature film at original screenplay.