-- Advertisements --

Puspusan na paghahanda para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa inaugural summer edition nito, na magsisimula sa Abril 2 sa Parade of Stars.

Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang parada ay muling idaraos ng Quezon City, na kilala bilang City of Stars, dahil sa pagkilala nito sa kultura, entertainment at media sector.

Itatampok sa parada ang mga naglalakihang floats ng mga kalahok sa nasabing movie festival.

Bandang alas-4 ng hapon, magpapatuloy ang parada sa Commonwealth Avenue, mula Villa Beatriz hanggang Quezon Memorial Circle.

Dagdag dito, ang pangunahing kaganapan ay magaganap sa Liwasang Aurora.

Kaugnay niyan, sinabi ni MMDA acting chair at concurrent MMFF overall chairman Romando Artes na magpapakalat ang sila ng 730 tauhan para mapadali ang daloy ng parada at matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Una na rito, ang Summer Metro Manila Film Festival ay magaganap sa loob ng 11 araw, mula Abril 8 hanggang Abril 18 ng kasalukuyang taon.