-- Advertisements --
Pumapalo na sa typhoon intensity ang dalang hangin ng bagyong may international name na Nanmadol.
Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,670 km sa silangan hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 120 kph at may pagbugsong 150 kph.
Kumikilos ang sama ng panahon nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.