-- Advertisements --

Maaaring mapaaga ang pagpasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ng binabantayang low pressure area (LPA).

Ayon sa Pagasa, namataan ang naturang namumuong sama ng panahon sa layong 1,175 km sa silangan ng Mindanao.

Kung magpapatuloy ang bilis ng takbo nito, maaaring bukas ay nasa loob na ito ng Philippine waters.

Nauna na kasing sinabi ng Pagasa na maaaring sa Disyembre 26 o 27 ito makapasok sa PAR.

Gayunman, nagbabago ang takbo ng LPA kapag may ibang weather system na nakakaapekto.

Samantala, ngayong araw ay aasahan pa rin ang mga pag-ulan sa Caraga, Davao Region, South Cotabato, Sarangani, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ) o ang nagsasalubong na hangin na may dalang makapal na ulap.