-- Advertisements --

Tiniyak ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Korean community na nananatili sa loob ng bansa na nagpapatupad ang gobyerno ng mas pinaigting na aksyon laban sa mga krimen sa bansa.

Sa isang pahayag ay nagbigay ng pagsisisguro si PAOCC Chaiperson Executive Secretary Lucas Bersamin na naglatag ang kanilang komisyon ng mga plano para mapanatiling ligats ang mga Korean nationals habang namamalagi ang mg aito sa Pilipinas.

Kabilang sa kanilang inilatag ang revitalization ng mga security desk na siyang magbibigay mg police visibility at mahigpit na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan para sa kanilang kaligtasan.

Ipinangko rin ng PAOCC na mas maghihigpit sila ng seguridad sa mga lugar gaya ng Angeles City, Manila at maging sa Cebu kung saan mas may pinaka-mataas na pumapasok na mga banyaga.

Samantala, matatandaan naman nagkaroon na ng mga dayalogo sa pagitan ng Pilipinas at ng United Korean Community Association nitong Biyernes, kung saan hiniling naman ng organisasyon na magkaroon ng mas malakas na reinforcement ang Philippine government sa pagpapanatili ng kaligtasan ng kanilang mga kababayan bunsod ng pagiging madalas na pag-target sa nga korean nationals kahit pa residente na ng bansa o maski mga turista.