Tinanggihan ng Public Attorneys Office (PAO) na tulungan ang mga security offcers ng National Bureau of Investigation (NBI) na inakusahang tumutulong sa detainee na si Jed Dera na makalabas.
Sinabi ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Jose Dominic Clavano, hirap silang makakakuha ng statements dhail sa kautusan ng PAO na bawal silang tumulong dahil sa magkakaroon aniya ng conflict of interest.
Nakasaad din ito sa memorandum circular na inilabas ni Deputy Chief Public Attorney Silvestre A. Mosing na hindi na sila tutulong sa mga extrajudicial confession sa mga naarestong suspek o mga persons deprived of liberty.
Inilabas ang kautusan matapos madamay ang PAO sa kontrobersiya ng binawi ng government witness ang testimoniya ni Rafael Ragos laban kay dating Senator Leila de Lima.