-- Advertisements --

Nais ng Public Attorney’s Office (PAO) na taasan ng gobyerno ang badyet nito para sa kasalukuyang grupo ng mga abogado na nagbibigay ng legal na tulong sa mga indigent parties.

Ito ang mungkahi ni PAO chief Persida Acosta kay Senator Raffy Tulfo nang mag-courtesy call ito sa senador sa opisina nito sa Senado.

Sinabi ni Tulfo na makikipagtulungan siya sa ahensya para matulungan silang makapaglingkod sa mas maraming Pilipino.

Gagawin niya ang kaniyang makakaya para madagdagan ang budget ng PAO.

Nakatakda umanong isumite ng Malacañang sa Kongreso sa Agosto 22 ang panukalang 2023 national budget, na malabong mas mataas sa kasalukuyang P5.024-trillion budget para sa 2022.

Sinabi rin ni Tulfo na naobserbahan niya na walang abogado na nananatili ng matagal sa PAO.

Ayon naman kay Acosta, hindi sapat ang kasalukuyang bilang ng 2,400 abogado sa buong bansa sa ilalim ng PAO, idiniin na lahat sila ay sobra sa trabaho.

Napag-alaman na ang PAO ay ang ahensyang itinalaga upang magbigay ng libreng legal na tulong sa mga mahihirap sa mga kasong kriminal, sibil, paggawa, administratibo, at iba pang quasi-judicial.