Humihirit ngayon ang grupo ng mga teachers na sana bago raw magtapos ang adminitrasyong Duterte ay maihabol na sertipikahan bilang urgent bill ang panukalang tax-exemption sa election service pay.
Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines sana raw ay maihabol ito ng administrasyon lalo na at may ilang mga pangako na hindi natuloy para sa dagdag sahod sa mga teachers.
Inihalimbawa pa ng grupo na noong May 26, 2022 ang Senate Bill 2520 na naglalayong mabigyan ng tax-exemption election service pay ay naipasa sa second reading pero hindi na ito napakinabangan ng mga teachers sa nakalipas na halalan.
Maging sa Kamara ay meron ding counterpart measure na House Bill 9652, ay aprubado rin sa third and final reading noong August 2021.
Kaugnay nito ang kasalukuyang session ng 18th Congress ay magsasara na sa June 3, 2022.
Sinasabing meron pa raw panahon para maisalba ang naturang panukala sa isang bicameral meeting upang plantsahain ang magkakaibang panukalang batas kaya kailangan dito na sertipikahan na raw ng presidente para mapakinabangan ng mga guro sa darating pang mga halalan.
“After six years of failing to fulfill his multiple promises to significantly hike teachers’ pay and abject abandonment especially in the time of grave crises, we find it only just for the President to ensure that the tax-exemption bill for election service pay gets passed into law before he steps down. It won’t make up for his neglect of teachers, that’s for sure, but it’s the least he can do to provide some lasting relief to election frontliners,” ani ACT Secretary General Raymond Basilio.