-- Advertisements --

Nanawagan ang Gabriela Party-list sa Kamara na madaliin ang panukalang suspensyon ng TRAIN Law excise tax.

Ayon kay Rep. Arlene Brosas, hindi naman kasi sapat ang mga rollbacks sa produktong petrolyo at nagbabadya pa ang panibagong sirit sa presyo ng langis.


Nakikita niyang magiging malaking alwan sa mga motorisata at consumers ang pagsasabatas sa House Bill No. 10488 sapagkat tatanggalin nito ang mga TRAIN Law excise taxes sa langis sa loob ng anim na buwan.

Sa ngayon, aprubado na sa komite sa Kamara ang naturang panukalang batas.


Hangga’t sa hindi pa ito nagiging ganap na abtas, sinabi Brosas na dapat ding magkaroon ng rollback sa presyo naman ng LPG gayong pumapalo na sa hanggang P1,000 ang presyo ng kada tangke nito hanggang sa ngayon.

Mas malaki din aniya pa dapat ang i-rollback sa diesel, gasolina at kerosene kung talagang sumusunod ang mga kompanya sa pandaigdigang pamilihan.